MABUHAY ANG MGA MANANALIKSIK NA TAGA-ILOG ni Bianca Nicole Napal, MSC BAC 3

Noong Oktubre 12, 2017, ginanap ang kauna-unahang komperensya ng Baybayin: Bukluran ng mga mananalisik na taga-ilog sa Tamayo, Sta. Cruz, Marinduque. Isa ito sa mga di malilimutang pangyayari sa aking buhay. Nakakatuwa isipin sapagkat bibihirang pagkakataon ang mga ganitong pangyayari, ang mailahad ko ang aking papel sa iba’t-ibang tao na nagmula pa sa matataas na paaralan ng kolehiyo. Mula sa aming pagdating noong Oktubre 11, 5:30PM namangha na kami sa angking kagandahan ng lugar na pagdadausan ng aming komperensya. Magandang swimming pool, maaliwalas na paligid, magagandang halaman at magagandang kwarto. Kasama din namin ang ibang AB-English 3-A. Sa una medyo nagkakahiyaan ngunit ng tumagal ay nagkakilanlan at naging magkakaibigan. Syempre hindi mawawala ang selfie ganyan kaming mga milenyal, post sa fb, twitter o instagram kahit pa yata pagod galing biyahe imbes na unahin ang pagpapahinga pag status muna ang inuna. Pagkatapos ng picturan nagdiretso agad kami sa paghahanap ng pwedeng makainan. Ngunit medyo liblib yung lugar kaya bilang lamang ang may tindahan at saka maggagabi na iilan na lang ang bukas na tindahan. Buti na lang nakahanap pa rin kami ng mabibilhan. Nagsalo-salo sa pagkainan at pagkatapos non ay syang naghanda para bukas sa paglalahad n gaming mga papel. Hindi naman maiiwasan ang kaba. Lalo na nung nakalimutan ko pa yung papel ko buti na lang may back-up ako sa cellphone. Buti na ;lang kasi nawala pa naman yung file ko dito sa laptop. Medyo mahirap yung signal at malayo sa bayan, pero ok lang at least sa lugar na to mararamdaman mo yung payak na pamumuhay.

Dumating na yung araw ng pagpresent. Sa wakas pagkagising namin may nakahanda ng masarap na almusal! Nagregister, at pumunta na rin kami sa aming pangkat kung sino-sino yung makakasama namin. Nag-opening program at pagkatapos ay nagsimula na nung hapon yung paglalahad ng aming mga papel. Kinabahan ako ng sobra, bago ako magpresent binasa at pinag-aralan ko mabuti ang aking papel. Nung ako na ang magpepresent, nabawasan ang aking kaba hanggang sa unti-unting nawala habang ako’y nagsasalita. Nailahad ko ng maayos ang aking research paper ngunit may mga ilan na hindi ko na basa kasi baka maabutan ako ng time. Pasalamat ko na lang at kokonti lang yung naitanong sa akin at nasagot ko naman ito. Pagkatapos ng aking pagpresent nagpahinga ako ng konti at kumain ng meryenda. Pagkatapos ng pahinga ay agad na naghanda ako para sa aming performance sa Teatro. Masayaa ako at naimbitahan din an gaming grupo. Nairaos din namin ang performance at pagkatapos nun nagsaya ang ilang sa mga kasama namin sa Solidarity Night. Di na ako nakisama sa halip ay pinili ko na lang matulog ng maaga at magpahinga dulot ng pagod.

Pangalawang araw ng aming komperensya at sa wakas tapos na ako wala akong gagawin kundi manuod na lang ng mga iba pa na magpepresent. Pinaka nagustuhan ko na papel para sa kin ay yung tungkol sa Pagkakayas-kawayan at Tagalogness. Nailahad nila ng maayos at malinaw ang pagkalap ng mga impormasyon. Naging maayos at makabuluhan ang komperensyang ito. Nakakatuwa at nabigyan ako ng pagkakataon, napili ang aking papel gayunpaman nagpapasalamat ako at lahat ng napakinggan kong mga iba’t-ibang pag-aaral ay isang pribelehiyo. Madami akong natutunan at babaunin. Mga bagay na sa una ay walang kasagutan na sa huli ay nagkaron na rin ng kasagutan, nagkaroon ng bagong mga kaibigan at higit sa lahat pagppahalaga sa kung anong merong kultura ang Marinduque na dapat maipagmalaki natin. Kultura na dapat mapanatili at huwag hayaan na mawala.

 

MARAMING SALAMAT DR. RANDY NOBLEZA! MABUHAY ANG MGA MANANALIKSIK NA TAGA-ILOG!

Baybayin Parallel Sessions Oct 12-13, 2017

 

 

1st Parallel Session

October 12, 2017/1:00pm to 2.20pm

Religious Studies

Moderator: Dr. Rhocie Avelino Matienzo

Main PTADC Hall

Asian, Phil. x ST Language Studies

Moderator: Vincent Christopher Santiago

Tambayan Hall

Tagalog Festivals

Moderator: Victor Clado Francia

Marindukanon Barakalan

 

Philippine Popular Religiosity: Sanctity from Profanity in a Globalized Society

Edwin Lineses

Dela Salle University –Dasma

 

Ang Lunduyan: The Espiritistas’ Spirituality along with their Religious Beliefs and Practices in Gasan, Marinduque/ Distinguishing the Elements of its Worship Service and its Effect on People’s Spirituality

John Earl M. Manlisis and Rizalyn M. Magno

Marinduque State College

 

Inang Uyang: Filipino Spirituality

Arwin Jones Epa

Marinduque State College

 

 

Puntong Morong: Ang mga Lingguwistikong Katangian at Panloob na baryasyon ng Tagalong Morong

Vincent Christopher Santiago

University of the Philippines – Diliman

 

Structure of the Filipino Language and Southeast Asian Studies

Jenny Motol

Marinduque State College

 

Toward a Filipino-Language: Philippine Studies

Christine Joy Pereda

Marinduque State College

 

Southern Tagalog Language: The Language of Romblon Province

Angel Mae Y. Mabunga

Marinduque State College

 

Agriculture Development Policy Framework Enabled by the “TINDIG WALIS” Impact of Pahiyas Festival in the Philippines

Victor Clado Francia

University of Santo Tomas

 

Pag-uugnay ng Moriones Festival ng Marinduque at Mindoro

Rebecca Mabutot

Marinduque State College

 

Mogpog’s Kangga Festival

Jezabele P. Manuevo

Marinduque State College

 

Senakulo/Pugutan in Municipality of “Boac” and “Gasan”

Joreen Shy Nantes

Marinduque State College

 

Bila–Bila Festival in Marinduque

Lorena Lazarte

Marinduque State College

 

 

 

 

Second Parallel Session

October 12, 2017/ 2.40pm to 4:00pm

Filipino/ Tagalog Philosophy

Moderator: Greg Dulay

Main PTADC Hall

In/Tangible Heritage

Moderator: Dr. Jerwin Mahaguay

Tambayan Hall

Literary Criticisms

Moderator: Buko Joe Perez

Marindukanon Barakalan

Ang Mukha ng Kapwa: Pagmumuni sa Piling Karanasang Pilipino ayon sa Etika ni Levinas”

Rhochie Avelino E. Matienzo University of Sto Tomas

 

The Philosophical Taste of Deliciousness and Beauty of Ilocano Dishes

Greg Dulay

De La Salle University – Manila

 

Is there a Filipino Philosophy?

Mariel Mazon

Marinduque State College

 

Fragments of Filipino Philosophy of Life

Donna Montalban

Marinduque State College

 

Recent Trends in Filipino philosophy

Sherlyn R. Mangana

Marinduque State College

 

Architectural Creativity of Marindukanon: Arts and Culture in the Province of Marinduque

April Rose Malarayap

Marinduque State College

 

Culture-Adaptive Management for Sustainable Local

Heritage Houses in the District of Mogpog, Marinduque.

Dianne P. Jaballas

Marinduque State College

 

Teatro: Tulay sa Pagbibigay Buhay sa Sining at Kultura ng Kabataang Mogpogueño

Bianca Nicole L. Napal

Marinduque State College

 

 

In defense of Jose Rizal’s El Filibusterismo against the Plagiary Allegations

Buko Joe Perez

Joseph Marello Institute

San Juan, Batangas

 

Legend of Marinduque: An Archetypal Literary Criticism

Jhon Paul Llante

Marinduque State College

 

Toponymy of the Barangays in Santa Cruz, Marinduque

Kimberlyn Militar

Marinduque State College

 

Treasure the Boac, Marinduque Literature

Evelyn M. Rey

Marinduque State College

 

 

 

Third Parallel Session

October 12, 2017/ 4:00pm to 5.30pm

The Mangyan “Tribes”

Moderator: Dr. Jerwin Mahaguay

Main PTADC Hall

Gender Studies in Southern Tagalog

Tambayan Hall

ST Historical Studies

Moderator: Richard Biteng

Marindukanon Barakalan

The “Lalaki” of the Hanunuo in the Ambahan: A Textual Critical Reading

Ross Pabinguit Heruela

University of the Philippines – Baguio

 

Theology of Mangyan Natives in Oriental Mindoro

Edelyn Solsona

Marinduque State College

 

Mangyan Tribes in Occidental Mindoro Spiritual Belief and Practices

Angelica Roldan

Marinduque State College

 

 

Pagtutuli: Ang Unti-unting Pagkawala ng mga Lalaking “Pukpok”

Jared Ram A Juezan and Alexis E. Santiago

University of Rizal System – Pililia Campus Grad School

 

Bakla on the Parallel view of the Philippine Postcolonial Culture

Gregorio Caliguia

University of the Philippines – Diliman Asian Center

 

 

 

 

The Key to the Cultural Past

Ruby Ann R. Laya

Marinduque State College

 

Pamitinan Cave: The Place of the First Cry of Katipunan

Richard Biteng –

DepED Rizal

 

Comparison of the Early and Present Political Systems In the Philippines

Lyra Joy S. Moaje

Marinduque State College

 

Rediscovering the TAGALOG-NESS

Arren Jay M. Nabos

Marinduque State College

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Fourth Parallel Session

October 13, 2017/ 8:00am to 9:20am

Contemporary Popular Culture

Moderator: Jeffrey Rosario Ancheta

Main PTADC Hall

Educational Philosophy:

Theory and Practice

Moderator: Jomar Redubla TH

Tagalog/ Non-Tagalog Language

Moderator: Vicky Cajilig

Marindukanon Barakalan

Computer-assisted manual analyses of text through topic modeling and word embedding: A case study of typhoon-related Tweets

Jeffrey Rosario Ancheta, Nathaniel Oco, Rachel Roxas Christian Sy and Lany Maceda

National University

Bicol University

 

Henerasyon sa Panahon ng Facebook: Kaugalian, Kultura at Lenggwahe

Rosalie Pernia

Marinduque State College

 

Significance and Effects of Social Media in Millennial’s Time

Deryl Kai S. Sigue

Marinduque State College

 

Epekto ng Pagamit ng Wikang Marindukanon sa Facebook

Jan Erika Sapungan

Marinduque State College

 

Dewey Analysis on K to 12 Program in the Philippines

Jomar Redubla

Far Eastern University – Manila

 

Modified Feeding Program of Gueco Balibago Elementary School

Ma. Ronila Balaquit

DepED Angles City

 

Pamamaraan at Pagkatuto

Jessalyn Marie Englis

Palompon Institute of Technology

 

Brain Drain in the light of Althusser’s Ideological State Apparatuses

Alyzza Louize Malibiran

Philippine Normal University – Manila

 

Nasyonalismong Pilosopiyang Edukasyon ni Renato Constantino

Marie Joyce Veneracion

Baliuag University

 

 

Epekto ng Manilenyong Tagalog sa Paglinang at Pagpapayaman ng Marindukanon

Althea Lyra La Rosa

Marinduque State College

 

Philippine Studies/Araling Pilipino/Pilipinolohiya sa Wikang Filipino: Pagpopook at Pagdadalumat sa Loob ng Kapantasang Pilipino

Roan Castillo

Marinduque State College

 

Language distinguishes of Marinduque to Romblons

Deena Waquiz

Marinduque State College

 

Pagkamulat ng mga Kabataang Marinduqueno sa Lenggwaheng Marindukanon

Ladylyn Monton

Marinduque State College

 

 

 

Fifth Parallel Session

October 13, 2017/ 10:30am to 12:00pm

DRR and Technology

Moderator: Ken Gorro

Main PTADC Hall

Inter/Intra Marinduque Language

Moderator: Vicky Cajilig

Tambayan Hall

Area, ASEAN, Philippine Studies

Moderator: Zia Oliveros

Marindukanon Barakalan

 

An Assessment of the Implementation of the Local Government Code Provision on Public Morals by the Provincial Government of Cavite

Gladys P. Nalangan

University of the Philippine Los Banos

 

An Analysis of Suggestions for DRR Strategies in an Urban Barangay in Rizal

Ken Gorro, Mary Jane Sabellano, Jeffrey Rosario Ancheta, Nathaniel Oco and Rachel Roxas

University of San Carlos

National University

 

 

 

Introduction to Marindukanon: Dialect Differences of Sta. Cruz and Boac District

Kayzelle Joy Decena

Marinduque State College

 

Dialectal Differences between Marindukanon and Manila Tagalog

Jermelyn Mendeja

Marinduque State College

 

Native Tagalog in Marinduque and Tagalog in City of Manila

Marielle Pastorfide

Marinduque State College

 

The Essence and Effects of Using Marindukanon in Facebook

Judith Larosa

Marinduque State College

 

 

 

Problems and Prospects of Area Studies on and within Southeast Asia

Lorelyn L. Historillo

Marinduque State College

 

Civil Society Actors Digitally Connect in Vietnam: Recording Spheres of Resistance

Joanna L. Mameng

Marinduque State College

 

 

Essence of Philippine Studies and Filipinolohiya

Zia Oliveros

Marinduque State College

 

 

 

 

Sixth Parallel Sessions

October 13, 2017/ 1:00pm to 2:30pm

Marindukanon Studies

Moderator:Eric Mercene &Alerma Ola

Main PTADC Hall

Masculinities/ Femininities

Moderator: Jennifer Gorumba

Tambayan Hall

Local Cultural Practices

Moderator: John Kelvin SL Pantaleon

Marindukanon Barakalan

Pagsusunong ng Pupuwa in the Municipality of Gasan

Myca Fanoga

Marinduque State College

 

Moryon ng Mogpog, Pagsibol, Pamumukadkad at Pagyabong

Eric Mercene and

Alerma Ola

Marinduque State College

 

Marinduque’s Pride: Sole Tribute in Cultura Practices

Dannicah Masculino

Marinduque State College

 

The Profane Meanings of Mogpog, Marinduque’s Holy Week Terminologies

Hayden Semilla

Marinduque State College

 

 

San Juanenos: Barako nga ba?

Ramón Florencio Perez, Jr. Jimboy De Torres, Maloude Villa, Mariel Jerusalem and Mariel Mercado

Joseph Marello Institute

San Juan, Batangas

 

Mga Isyung GAD

Jennifer Gorumba, Analy Tabuso, Gary Basas, Ivy Dalmas

Palompon Institute of Technology

 

Pasusuring Feminismo

Ferdelyn Viacrusis

Palompon Institute of Technology

 

Antipo Ritual in Marinduque

Jimbert Cedeno, Rizon Macailao and Juancho Epa

Marinduque State College

 

Diverse Connection of Marinduquenos through their Culture

Ydha Marie Laroza

Marinduque State College

 

Kayas-kawayan: Naghihingalong Kultura sa bayan ng Morong, Rizal

John Kelvin SL. Pantaleon

University of Rizal System – Pililia Campus

 

Ang Pagnganganga ng mga Kabataang may Mapupulang Ngiti

Grace A. Veloso

URS Pililia campus grad school

 

baybayin, marindukanon, pananaliksik

Pahabol sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa

ika-4 ng Setyembre 2017/ MSC AVR

A. preliminaryo

B. Pambungad na Pananalita

C/D. Mga Mensahe

E. Simula ng mga Patimpalak

  1. Dagliang Talumpati
  2. Gen. Information Quiz Bee
  3. Paggawa ng poster
  4. Pagsulat ng Sanaysay
  5. Debate
  6. Informance

F. Awarding at Pagpipinid ng Programa

Wikang Mapagbago – Anne Esponilla, G12 GAS

Ang mabilis na paglakbay na panahon ay tila katumbas lamang ng isang kisapmata. Magigising ka na lamang sa katotohanang napakarami na ng mga pagbabago ang naganap at nagaganap. Hindi natin maipagkakaila na maraming dahilan kung bakit may mga ganitong pagbabago. At isa sa mga dahilan na ito ay ang wika.
Sa mundong mapanghamon,ang ating bansang Pilipinas ang isa sa mga patunay na ang wika ay maituturing na mapagbago. Lingid sa ating kaalaman ang wikang Filipino ay siyang dapat ding pagyamanin. Kung ang kabataan ang pag-asa ng bayan ang wika naman ang susi sa pag-unlad ng isang bansa. Pag-unlad hindi lamang sa ekonomiya kundi sa lahat ng aspeto ng bansa. Ngunit sa pag-usad ng panahon napakarami ng mga diyalekto na tila nagiging sanhi ng pagguho ng pundasyon ng ating bansa. Mga dayalektong may malaking bahagi sa mga pagbabagong nagaganap. Halimbawa na lamang ang tinatawag na “gay language”. Ito ay laganap sa ating bansa,mapapersonal man o sa mundo ng social media. Halimbawa na lamang ng gay language ay ang ” gorabels” na ang ibig sabihin ay “tayo na”. Ang ” lafangs na tayels” na ang ibig sabihin ay “kumain na tayo”. Ilan lamang yan sa mga kumakalat na gay language. Kung ating susuriin ng mabuti ay ito’y tila isang karaniwang uri na ng wika o lenggwahe. Kung baga ito’y nakasanayan na. Ito man ay mapabata man o matanda.
Sa mga lalawigan naman tulad ng Marinduque,ay tila nagiging kapareho na lamang ng nakararami. Ang diyalekto ng mga Marindukanon ay nahaluan na rin ng ibang dayalekto. Di natin maipagkakaila na lipana na rin ang mga tinatawag na ” gay language”. Nasa iisang lalawigan man o probinsya tayo ng Marinduque, ay may mga salita pa rin tayong nagkakaiba-iba ng katawagan ngunit iisa ang ibig sabihin. Halimbawa na lamang ay ang salitang “magahugas” sa parteng Sta.Cruz ito ay tinatawag na “magadayag”. Ang salitang “tasa” sa ibang parte ng Marinduque ito ay tinawag nilang “sulyaw”. Ang ginataang mais tinatawag na” bualaw” at sa iba naman ay “binatog”. Tunay talagang napakarami ng pagbabagong nagaganap. Nangangahulugan lamang ito na saan mang sulok ng bansa ay malaki ang bahagi ng wika sa mga pagbabagong ating nasasaksihan.

Filipino: Wikang Mapagbago ni CARL ADRIAN L. LARRAQUEL, G12 GAS

Isang bansa na may mahigit sa isang daang wika. Wikang ginamit ng mamamayang Pilipino. Nagkaisa kahit maraming wika. Pagbabago na kaya ang dulot ng paggamit ng ating wika? Mabilis na nagbabago ang panahon. Patuloy na umuunlad ang teknolohiya at komunikasyon. Kasabay ng mga pagbabagong ito, nagbabago rin ang wika at ang lipunan. Bilang isang wikang buhay, patuloy ang mga mauunlad na pagbabago ng Filipino. Ilan sa katunayan ng mga pagbabago nito ay ang patuloy nating panghihiram sa mga wikang banyaga na nakaiimpluwensya sa ating kabihasnan at ang pag-aambag mula sa ating mga wikang katutubo. Bukod dito, ang wika natin ay umaagapay rin sa pagbabago ng lipunan. Kailangan nitong magbago upang umangkop sa mga intelektwalisadong disiplina. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon, isang daan upang magkaunawaan ang bawat isa. Kailangang patuloy natin itong ginagamit sapagkat ang isang kasangkapang hindi na ginagamit ay nawawalan na ng saysay, hindi ba? Gayon din ang wika. Idagdag pa na kapag ang wika ay hindi na ginagamit, ito ay unti-unting nawawala at tuluyang mamamatay. Ano ang saysay ng patay na wika? Wala, kaya’t itatak natin sa ating isipan na tayo’y may iisang wika na kailangang pahalagahan at gamitin sa pangaraw-araw na pamumuhay. Bagkus, iba-iba man ang lenggwahe ng bawat-isa mayroon at mayroong paring “tagalog” na pambansang wika na mag-aangat ng pagbabago sa ating bansa.

dalawang haiku ni Jamille M. Logmao, Baitang 12 GAS

Kaguluhan

Sa gulong dulot

Kayrami nang nawala

Susundan pa ba?

 

Kapayapaan

Payapang bansa

Nais nating makamtan

Magpakailanman

 Filipino: Wikang Mapagbago ni Angielica N. Rabago, Baitang 12 GAS

Sa patuloy na paglipas ng mga araw, kasabay din nito ang  ang pag-usbong at pagdiskubre sa mga wika na nagiging bukang-bibig  ng bawat tao. Isang patunay rito ang lalawigan ng Marinduque, na kung saan mayroong mga wika na kakaiba at hindi pamilyar sa pandinig ng ating mga karatig lalawigan. Ilan sa mga salita na ito ay ang “ngane” , “baya”, at “mandin” na nangangahulugang pagsangayon sa sinasabi ng  iyong kausap, ” katipan” na nangangahulugang kasintahan, at marami pang iba. Gayunpaman, masasabi pa rin natin na hindi basehan ang pagkakaiba ng wika upang mabago ang imahe at katayuan ng isang partikular na lalawigan. Dahil tulad sa  mga karatig na lalawigan mayroon din silang mga wika na hindi familiar sa atin, gayunpaman hindi ito naging hadlang sa patuloy na pag-unlad ng bawat lalawigan, dahil kahit ano pang wika ang mayroon tayo masasabi pa rin natin itong napakahalagang instrumento hindi lang sa pakikipagkomunikasyon, kundi maging  sa pagbubuklod-buklod ng bawat isa upang sabay na harapin at abotin ang iisang adhikain na makamtan ang isang bago,malinis at masistemang lalawigan.

Filipino: Wikang Mapagbago ni Jorella Macaton, GAS baitang 12

Ang wika ay mahalagang instrumento ng komunikasyon. Pinag-uugnay nito ang mga tao mula sa iba-ibang lugar kung kaya’t ito at dapat panatilihin,pahalagahan at paunlarin. Mahalaga ito sa pang-araw-araw na bauhay natin.

Ang wikang ating ginagamit ay nagmula sa ating mga ninuno na isa sa mahahalagang pamanang kanilang iniwan sa atin. Iba-iba man ang mga wikang ating ginagamit, nagkakaisa pa rin tayo.Upang tayong mga Pilipino ay madaling magkaunawaan,napagkasunduan gamitin ang wikang Filipino.

Sa Pilipinas, maraming katutubo ang naninirahan,may Waray, Tausug, Badjao, Ilonggot, Manobo, Igorot at Mangyan. May ibat- iba silang ginagamit na salita.Ito ang dahilan kung bakit hindi magkaunawaan ang bawat isa sa atin.Kaya upang higit tayong magkaunawaan,napag-kasunduang gamitin ang wikang Filipino sapagkat ito ang salitang higit na nauunawaan ng lahat ng Pilipino.

Dito sa lalawigan ng Marinduque,may anim na bayan, ang Gasan, Mogpog,Boac, Torijos,Sta. Crus, at Buenavista. Mayroon mang mga salita na hindi pamilyar sa mga kalapit bayan, nagkakaisa pa rin sila.  Halimbawa ng salitang ito ay “galungyan”tawag sa gulay na kamansi, “gatabo” ibig sabihin ay mag-iigib ng tubig, “idi” ibig sabihin ay ito,”ngani” nangangahulugang pagsang-ayon sa nagsasalita gayundin ang “mandin”.

Patimpalak sa Sabayang Pagbigkas