Ang mabilis na paglakbay na panahon ay tila katumbas lamang ng isang kisapmata. Magigising ka na lamang sa katotohanang napakarami na ng mga pagbabago ang naganap at nagaganap. Hindi natin maipagkakaila na maraming dahilan kung bakit may mga ganitong pagbabago. At isa sa mga dahilan na ito ay ang wika.
Sa mundong mapanghamon,ang ating bansang Pilipinas ang isa sa mga patunay na ang wika ay maituturing na mapagbago. Lingid sa ating kaalaman ang wikang Filipino ay siyang dapat ding pagyamanin. Kung ang kabataan ang pag-asa ng bayan ang wika naman ang susi sa pag-unlad ng isang bansa. Pag-unlad hindi lamang sa ekonomiya kundi sa lahat ng aspeto ng bansa. Ngunit sa pag-usad ng panahon napakarami ng mga diyalekto na tila nagiging sanhi ng pagguho ng pundasyon ng ating bansa. Mga dayalektong may malaking bahagi sa mga pagbabagong nagaganap. Halimbawa na lamang ang tinatawag na “gay language”. Ito ay laganap sa ating bansa,mapapersonal man o sa mundo ng social media. Halimbawa na lamang ng gay language ay ang ” gorabels” na ang ibig sabihin ay “tayo na”. Ang ” lafangs na tayels” na ang ibig sabihin ay “kumain na tayo”. Ilan lamang yan sa mga kumakalat na gay language. Kung ating susuriin ng mabuti ay ito’y tila isang karaniwang uri na ng wika o lenggwahe. Kung baga ito’y nakasanayan na. Ito man ay mapabata man o matanda.
Sa mga lalawigan naman tulad ng Marinduque,ay tila nagiging kapareho na lamang ng nakararami. Ang diyalekto ng mga Marindukanon ay nahaluan na rin ng ibang dayalekto. Di natin maipagkakaila na lipana na rin ang mga tinatawag na ” gay language”. Nasa iisang lalawigan man o probinsya tayo ng Marinduque, ay may mga salita pa rin tayong nagkakaiba-iba ng katawagan ngunit iisa ang ibig sabihin. Halimbawa na lamang ay ang salitang “magahugas” sa parteng Sta.Cruz ito ay tinatawag na “magadayag”. Ang salitang “tasa” sa ibang parte ng Marinduque ito ay tinawag nilang “sulyaw”. Ang ginataang mais tinatawag na” bualaw” at sa iba naman ay “binatog”. Tunay talagang napakarami ng pagbabagong nagaganap. Nangangahulugan lamang ito na saan mang sulok ng bansa ay malaki ang bahagi ng wika sa mga pagbabagong ating nasasaksihan.
-
Pages
-
Categories
-
Archives
- December 2022
- March 2021
- December 2020
- November 2020
- September 2020
- July 2020
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- February 2018
- January 2018
- December 2017
- November 2017
- October 2017
- September 2017
- August 2017
- July 2017
- June 2017
- May 2017
- April 2017
- March 2017
- February 2017