Nakakatuwa yung pelikula na ito kasi dito makikita kung ano ang halaga mo bilang tao at bilang isang indibidwal. Pinapakita din dito ang iba’t-ibang aspeto at pananaw ng isang tao base sa kani kanilang mga kasarian. Napakaganda ring halimbawa nito sa mga taong nakakaranan ng panlalait at pangungutya na natatanggap sa mga taong nakapaligid sayo dahil iba ka sa kanila.
Ang pagiging bakla, tomboy at bisexual ay hindi batayan para lamang layuan ka ng ibang tao dahil naiiba ka sa kanila. Hindi rin kailangang baguhin ang pagkatao at pagiging ikaw para lang matanggap ka nila at magkaroon ng maraming kaibigan. Lagi dapat tandaan na hindi kailangan ng mga toxic na tao para makibagaya sa kanila. Maihahalintulad ko ang pelikula na ito sa “Camp Sawi”, katulad ng “Campo de Pagbabago” kwento rin ito ng ilang karakter na sinubok ang kanilang pagkatao at dignidad na nakaranas ng lupit at hindi pagtanggap mula sa mga taong nakapaligid sa kanila. Pero sa huli nanatili silang totoo sa kung ano ba sila at kung paano nila nalampasan ang pag-iinsulto ng mga tao bagkus bumangon sila para maging independent na tao dahil sa huli nahanap na nila ang kanilang halaga bilang tao.
Sa mga nais mapanuod ang “Campo de Pagbabago” maraming aral ang matutunan, magbabago ang pananaw mo sa buhay, mas makikilala mo ang totoong ikaw kahit iba ka, matatagpuan ang mga tunay at tapat na mga kaibigan na tanggap ka kung sino ka at higit sa lahat maiintindihan mo na hindi mo pasan o saklaw ang lahat ng problema. Mababago ang paniniwala mo sa mundo at lahat ng tanong sa iyong katanungan ay iyo ring masasagot. Nais kong irekomenda na mapanuod ito ng iba lalo na ang mga LGBTQ , lagi ninyo sanang isipin na ako tanggap ko kayo kung sino man kayo dahil nilikha tayo ng diyos para magmahal hindi para mamili ng pakikisamahan.