Boac, Marinduque – noong ika-12 ng Pebrero 2019 pinangunahan ng Obispo ng Diocese ng Boac na si Most Rev. Marcelino Antonio Maralit Jr. ang pagdiriwang sa pamamagitan ng banal na misa. Matapos ang banal na komunyon ay isinagawa ang pagbibigay kaalaman patungkol sa Immaculate Conception Cathedral bilang isang mahalagang yaman pangkalinangan ng Pilipinas.
Ayon sa paliwanag ng kinatawan ng Pambansang Museo na si Raquel Flores, nakapaloob sa National Museum Act of 1998 o RA 8492 ang pagbibigay ng deklarasyon sa katedral ng Boac. Sa bisa ng NM Declaratin No. 24-2017 ay dinedekalrang Important Cultural Property ang Immaculate Conception Cathedral ng Boac, Marinduque na inaprubahan noong Setyembre 28, 2017.
Nagsipagdalo ang punong bayan ng Boac, mga Bokal, mga guro ng School of Liberal Arts (SLA), ang dating tagapamahala ng Marinduque State College na si Dr. Leodegardo M. Jalos, mga miyembro ng Boac Council for Local History, Cultrue and the Arts at ang kinatawan ng National Museum na si Mrs. Raquel Flores at ilan sa mga kawani nito.
Ang unang bahagi ng deklarasyon ay nagkaroon ng Seminar-Workshop para sa mga Kababaihan tungkol sa Cultural Enforcement sa ikalawang palapag ng Casa Real ng Boac. Nakadalo rin ang mga mag-aaral ng MSC Bachelor of Culture and Arts Education (BCAEd) at guro-iskolar na kumukuha ng Graduate Diploma in Cultural Education (GDCE). Bilang pagsalubong at pagpapasalamat sa panauhin ay isinagawa ang tradisyon na putong na binigyan ng bagong hubog ng mga mag-aaral ng Marinduque National High School Speacial Program for the Arts. Itinaon ang deklarasyon sa Buwan ng mga Sining at araw ng pag-aapruba ng National Museum Act noong 1998.