Bilang panimula, nais kong ipaalam na lubos akong nagagalak dahil isa ako sa mga napili na maglahad ng papel na inihanda sa para sa nasabing komperehensya na dinadaluhan ng mga bigating panauhin. Bago pa man kami makapunta sa Tamayo, Sta. Cruz , marami na ang naganap kasama na don ang pagkakaroon ng mga bagong kaibigan mula sa AB-English A at B na silang mga kasama naming pitong BA-Comm na mga estudyante. Naging magkakwentuhan sa loob ng 3 gabi at 3 araw at kahit papaano ay nakilala naming sila, hindi lamang ang kanilang mga sarili kung hindi pati na rin ang kanilang kursong napili.
Sa loob ng 3 gabi at 3 araw na iyon, maayos naman ang naging “pamumuhay” naming doon, may maayos na tulugan, pagkain, kahit minsan, nagkakaproblema sa liguan at palikuran dahil medyo madami din ng mga kalahok sa Baybayin.
Ang ilan sa mga hindi ko malilimutang topic noon ay tungkol sa paglulupak na nagiging sanhi ng pamumuo ng pag ibig sa pamamagitan ng isang binata at dalaga. Pero ayon sa naglahad nito, hindi sya sang ayon sa kulturang ito, ipinapakita lamang daw nito na ang mga lalaki lamang ang may kakayahang gumalw, at hindi ang mga kababaihan. “Sexism” kumbaga. Ang isa naman ay ang Ang Panganganga ng mag Kabayaang may Mapupulang Ngiti ni Gng. Grace A. Veloso. Dito sa paksang ito, nagtatalo naman kung dapat bang panatilihin at isabuhay ang pag nganganga, o dapat nang itigil dahil sa nakakaapekto ito d lang sa kapaligiran kngdi pati na din sa kalusugan ng mga nangnganganga dahil may sangkap ito na nakaka adik dahilan upang ito ay hindi tigilan ng mga mag nganganga. Ang isa naman ay ang Kayas-kawayan: Naghihingalong Kultura sa bayan ng Morong, Rizal ni Mr.John Kelvin SL. Pantaleon at ipinakita nya ang mayamang tradisyon ng kanilang lugar, ang pagkakayas ng kawayan upang makagawa ng magagandang arko. Ang problema ng lamang nito ay paunti ng paunti na ang may kayang gumawa nito at lahat sa kanila ay matatanda na. buti nalamang at gumawa ang kanilang komunidad ng paran na isama ang pgkakayakas sa mga bokasyonal na kurso.
Ilan lamang yan sa mga natutunan at naranasan ko sa baybayin conference. Isama na dito ang pagtatanghal ng MSC Theater Guild na kinabibilangan ko din.