Ang wika ay mahalagang instrumento ng komunikasyon. Pinag-uugnay nito ang mga tao mula sa iba-ibang lugar kung kaya’t ito at dapat panatilihin,pahalagahan at paunlarin. Mahalaga ito sa pang-araw-araw na bauhay natin.
Ang wikang ating ginagamit ay nagmula sa ating mga ninuno na isa sa mahahalagang pamanang kanilang iniwan sa atin. Iba-iba man ang mga wikang ating ginagamit, nagkakaisa pa rin tayo.Upang tayong mga Pilipino ay madaling magkaunawaan,napagkasunduan gamitin ang wikang Filipino.
Sa Pilipinas, maraming katutubo ang naninirahan,may Waray, Tausug, Badjao, Ilonggot, Manobo, Igorot at Mangyan. May ibat- iba silang ginagamit na salita.Ito ang dahilan kung bakit hindi magkaunawaan ang bawat isa sa atin.Kaya upang higit tayong magkaunawaan,napag-kasunduang gamitin ang wikang Filipino sapagkat ito ang salitang higit na nauunawaan ng lahat ng Pilipino.
Dito sa lalawigan ng Marinduque,may anim na bayan, ang Gasan, Mogpog,Boac, Torijos,Sta. Crus, at Buenavista. Mayroon mang mga salita na hindi pamilyar sa mga kalapit bayan, nagkakaisa pa rin sila. Halimbawa ng salitang ito ay “galungyan”tawag sa gulay na kamansi, “gatabo” ibig sabihin ay mag-iigib ng tubig, “idi” ibig sabihin ay ito,”ngani” nangangahulugang pagsang-ayon sa nagsasalita gayundin ang “mandin”.