Isang bansa na may mahigit sa isang daang wika. Wikang ginamit ng mamamayang Pilipino. Nagkaisa kahit maraming wika. Pagbabago na kaya ang dulot ng paggamit ng ating wika? Mabilis na nagbabago ang panahon. Patuloy na umuunlad ang teknolohiya at komunikasyon. Kasabay ng mga pagbabagong ito, nagbabago rin ang wika at ang lipunan. Bilang isang wikang buhay, patuloy ang mga mauunlad na pagbabago ng Filipino. Ilan sa katunayan ng mga pagbabago nito ay ang patuloy nating panghihiram sa mga wikang banyaga na nakaiimpluwensya sa ating kabihasnan at ang pag-aambag mula sa ating mga wikang katutubo. Bukod dito, ang wika natin ay umaagapay rin sa pagbabago ng lipunan. Kailangan nitong magbago upang umangkop sa mga intelektwalisadong disiplina. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon, isang daan upang magkaunawaan ang bawat isa. Kailangang patuloy natin itong ginagamit sapagkat ang isang kasangkapang hindi na ginagamit ay nawawalan na ng saysay, hindi ba? Gayon din ang wika. Idagdag pa na kapag ang wika ay hindi na ginagamit, ito ay unti-unting nawawala at tuluyang mamamatay. Ano ang saysay ng patay na wika? Wala, kaya’t itatak natin sa ating isipan na tayo’y may iisang wika na kailangang pahalagahan at gamitin sa pangaraw-araw na pamumuhay. Bagkus, iba-iba man ang lenggwahe ng bawat-isa mayroon at mayroong paring “tagalog” na pambansang wika na mag-aangat ng pagbabago sa ating bansa.
-
Pages
-
Categories
-
Archives
- December 2022
- March 2021
- December 2020
- November 2020
- September 2020
- July 2020
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- February 2018
- January 2018
- December 2017
- November 2017
- October 2017
- September 2017
- August 2017
- July 2017
- June 2017
- May 2017
- April 2017
- March 2017
- February 2017