Sa bisa ng lagdaan ng Memorandum ng Unawaan sa pagitan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) at Marinduque State College (MSC) nang ika-5 ng Hunyo ay naging pang-31 Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ang Marinduque State College (MSC) sa buong arkipelago. Ang pirmahan ay idinaos sa Bulwagang Norberto Romualdez ng tanggapan ng KWF sa Gusaling Watson, JP Laurel, San Miguel, Maynila. Ang SWK ay nagsisilbing bukal ng pagpapa-unlad at pagpapalaganap ng pambansang wika at kultura. Kaugnay nito, ang MSC ay nadiriwang ika-65 taon ng pagkakatatag mula sa pagiging School of Arts and Trades at Institute of Science and Technology hanggang maging ganap na State College. Ang MSC ay tumataya sa pamamagitan ng Araling Pangkalinangan at Sining Marindukanon (Cultural and Arts Studies) at Office of Media and International Affairs (OMIA) para sa adhikain ng pambansang wika at kultura.
-
Pages
-
Categories
-
Archives
- December 2022
- March 2021
- December 2020
- November 2020
- September 2020
- July 2020
- June 2019
- May 2019
- April 2019
- March 2019
- February 2019
- January 2019
- February 2018
- January 2018
- December 2017
- November 2017
- October 2017
- September 2017
- August 2017
- July 2017
- June 2017
- May 2017
- April 2017
- March 2017
- February 2017