Sa buong buwan ng Agosto 2018 ay nagsagawa ng serye ng mga Tertulyang Pangwika ang MSC Sentro ng Wika at Kultura. Nagdaos ng mga aktibidad ang SWK Marindukanon na may layuning mapataas ang ang interes sa pananaliksik pangwika at pangkultura.
Ayon sa ulat ni Dr.Randy Nobleza, ang direktor ng MSC SWK, unang isinagawa ang Tertulya noong ika 10 ng Agosto 2018 sa audio-biswal na silid ng MSC sa Boac campus sa pangunguna ni Dr. Verna Liza Capiña bilang kinatawan ni Dr. Merian Catajay-Mani pangulo ng pamahalaang kolehiyo ng Marinduque. Ang serye ng mga panayam tungkol sa pananaliksik, gayundin sa paggamit ng Wika sa pananaliksik. Tampok rin ang mga pamanang matatagpuan sa lalawigang maaaring iklasipika na higit sa nasasalat, natitinag at hindi natitinag. Ang inaasahang awtput ay mga panukalang pananaliksik tungkol sa mga lokal na pamana at paggamit ng Wikang Filipino. Ang pangalawang pangulo para sa pananaliksik, ekstensiyon, pagsasanay at pag-unlad, Dr. Edelwina Blasé ay nagbigay ng oryentasyon sa bagong prioridad, programa at area ng pananaliksik.
Sunod na ginanap ito noong ika 17 ng Agosto sa MSC Torrijos naman na dinaluhan ng hindi bababa sa 187 na mag-aaral aynagkasya sa kanilang amphitheater. Sa pangunguna ng direktor ng campus ng Torrijos si Dr. Arnold Monleon. Nakasama si Prop. Teresita Tubongbanua na nagtalakay ng detalyado tungkol sa pananaliksik, sa mga katangian, proseso, bahagi at hakbang sa pagsasagawa nito. Nakadalo rin ang direktor ng mga natatanging proyekto at pangkalikasan, si G. Harvey Dulay upang magtalakay ng mga potensiyal na saliksik mula sa ibinahagi ni Dr. Blasé na mga programa at prioridad.
Noong ika 24 naman ay ang Kagawaran ng Edukasyon dibisyon ng Marinduque distrito ng Sta.Cruz at Mogpog sa ikatlong serye ng Tertulyang pangwika. Si Gng. Clarissa Lagrama-Mantal ay nakadalo at nagsilbing tagapanayam. Kinatawan naman ng kawaksing dekana ng paaralan ng Edukasyon sa MSC Sta.Cruz, si Dr. Susan Pineda ang kinatawan ng direktor ng campus sa Sta.Cruz.
At noong ika 31 ng Agosto ay dumayo naman sa MSC Gasan ang Tertulyang pangwika kung saan ang direktor ng SWK ang nagbigay ng panayam tungkol sa kultural na pagmamapa, Bilang ayuda, naglahad rin ang mga lokal na mananaliksik sa larang ng pangisdaan, sina G. Owel Villaviciencio at G. Regie
Mampusti na kumatawan kay Dr. Doreen Mascareñas. Nagbigay ng pambungad na pananalita ang direktor ng campus ng MSC Gasan si Emma Cabildo at nagbigay rin ng mensahe ang direktor ng paaralan ng pangisdaan si Orlen Mallen.