Noong Oktubre 12, 2017, ginanap ang kauna-unahang komperensya ng Baybayin: Bukluran ng mga mananalisik na taga-ilog sa Tamayo, Sta. Cruz, Marinduque. Isa ito sa mga di malilimutang pangyayari sa aking buhay. Nakakatuwa isipin sapagkat bibihirang pagkakataon ang mga ganitong pangyayari, ang mailahad ko ang aking papel sa iba’t-ibang tao na nagmula pa sa matataas na paaralan ng kolehiyo. Mula sa aming pagdating noong Oktubre 11, 5:30PM namangha na kami sa angking kagandahan ng lugar na pagdadausan ng aming komperensya. Magandang swimming pool, maaliwalas na paligid, magagandang halaman at magagandang kwarto. Kasama din namin ang ibang AB-English 3-A. Sa una medyo nagkakahiyaan ngunit ng tumagal ay nagkakilanlan at naging magkakaibigan. Syempre hindi mawawala ang selfie ganyan kaming mga milenyal, post sa fb, twitter o instagram kahit pa yata pagod galing biyahe imbes na unahin ang pagpapahinga pag status muna ang inuna. Pagkatapos ng picturan nagdiretso agad kami sa paghahanap ng pwedeng makainan. Ngunit medyo liblib yung lugar kaya bilang lamang ang may tindahan at saka maggagabi na iilan na lang ang bukas na tindahan. Buti na lang nakahanap pa rin kami ng mabibilhan. Nagsalo-salo sa pagkainan at pagkatapos non ay syang naghanda para bukas sa paglalahad n gaming mga papel. Hindi naman maiiwasan ang kaba. Lalo na nung nakalimutan ko pa yung papel ko buti na lang may back-up ako sa cellphone. Buti na ;lang kasi nawala pa naman yung file ko dito sa laptop. Medyo mahirap yung signal at malayo sa bayan, pero ok lang at least sa lugar na to mararamdaman mo yung payak na pamumuhay.
Dumating na yung araw ng pagpresent. Sa wakas pagkagising namin may nakahanda ng masarap na almusal! Nagregister, at pumunta na rin kami sa aming pangkat kung sino-sino yung makakasama namin. Nag-opening program at pagkatapos ay nagsimula na nung hapon yung paglalahad ng aming mga papel. Kinabahan ako ng sobra, bago ako magpresent binasa at pinag-aralan ko mabuti ang aking papel. Nung ako na ang magpepresent, nabawasan ang aking kaba hanggang sa unti-unting nawala habang ako’y nagsasalita. Nailahad ko ng maayos ang aking research paper ngunit may mga ilan na hindi ko na basa kasi baka maabutan ako ng time. Pasalamat ko na lang at kokonti lang yung naitanong sa akin at nasagot ko naman ito. Pagkatapos ng aking pagpresent nagpahinga ako ng konti at kumain ng meryenda. Pagkatapos ng pahinga ay agad na naghanda ako para sa aming performance sa Teatro. Masayaa ako at naimbitahan din an gaming grupo. Nairaos din namin ang performance at pagkatapos nun nagsaya ang ilang sa mga kasama namin sa Solidarity Night. Di na ako nakisama sa halip ay pinili ko na lang matulog ng maaga at magpahinga dulot ng pagod.
Pangalawang araw ng aming komperensya at sa wakas tapos na ako wala akong gagawin kundi manuod na lang ng mga iba pa na magpepresent. Pinaka nagustuhan ko na papel para sa kin ay yung tungkol sa Pagkakayas-kawayan at Tagalogness. Nailahad nila ng maayos at malinaw ang pagkalap ng mga impormasyon. Naging maayos at makabuluhan ang komperensyang ito. Nakakatuwa at nabigyan ako ng pagkakataon, napili ang aking papel gayunpaman nagpapasalamat ako at lahat ng napakinggan kong mga iba’t-ibang pag-aaral ay isang pribelehiyo. Madami akong natutunan at babaunin. Mga bagay na sa una ay walang kasagutan na sa huli ay nagkaron na rin ng kasagutan, nagkaroon ng bagong mga kaibigan at higit sa lahat pagppahalaga sa kung anong merong kultura ang Marinduque na dapat maipagmalaki natin. Kultura na dapat mapanatili at huwag hayaan na mawala.
MARAMING SALAMAT DR. RANDY NOBLEZA! MABUHAY ANG MGA MANANALIKSIK NA TAGA-ILOG!