Ano ang I-Report? ni Dee Palmes-Nobleza
Nangangahulugang ulat ang salitang Report sa I-Report na kinapapalooban ng mga kasanayan sa pangangalap at pagsusuri ng mga impormasyon at datos. Samantala ang “I” sa I-Report ay may dalawang kahulugan. Una, kung bibigkasin sa Ingles ay mangangahulugan sa Filipino bilang “ako”. Samakatuwid, isinasangkot nito ang indibidwal sa anumang impormasyong inilalahad. Samantala, ang ikalawang kahulugan ng “I” sa I-Report ay tumatayo bilang panlapi at bubuo sa salita bilang pandiwa na isang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos. Kung gayon, inaatasan din nito ang indibidwal na kumilos at tumugon kapara ng pagbibigay nito sa indibidwal ng responsibilidad na maging mapanuri at responsable sa mga pagsusuring ihaharap sa madla.
Oplan Tokhang: Ang Kaso ni Kapitan Tiyago Noon at Ngayon | G10 – Heisenberg
Pebrero 13, 2017 8:00 n.u. – 10:00 n.u. |
Edukasyon at Kahirapan: Si Basilio bilang Larawan | G10 – Ampere
Pebrero 13, 2017 10:00 n.u. -12:00 n.t. |
Simoun at Quiroga: Ugnayang Pilipinas at Tsina | G10 – Harvey
Pebrero 13, 2017 12:00 n.t. – 2:00 n.h. |
Isagani at ang Kaniyang Tatlong Uri ng Pag-ibig | G10 – Pascal
Pebrero 13, 2017 2:00 n.h. – 4:00 n.h. |
Babae, Juli, at Puri | G10 – Marconi
Pebrero 14, 2017 8:00 n.u. – 10:00 n.u. |
Kabesa, Lumad, at Lupa | G10 – Becquerel
Pebrero 14, 2017 1:00 n.h. – 3:00 n.h. |
Donya Victorina at Padre Florentino: Ang Bapor Tabo at Daloy ng Trapiko | G10 – Fermat
Pebrero 14, 2017 3:00 n.h. 5:00 n.h. |