Wikang Marindukanon, Wikang Filipino: Mapagbago (pang-JHS)

ni: Dr. Diana Palmes Nobleza

 

Daan taong isinubi ang mga salita

Dito sa kubling hugis-pusong isla

Mula sa supling nina Garduke at Marina

Isisilang tadhana ng kaniyang wika.

 

Mga salita ay iluluwal

Wikang mag-aambag ng kalutang

Kapara ng bila-bila na maglalakbay

Sa wikang kaluluwa ng kapuluan.

 

Yano, Ngani, Baya, Mandin!

Marindukanon kung tawagin,

Humayo na at arugain

Wika natin ay kanlungin!

 

Wikang Marindukanon, wikang Filipino: mapagbago!

 

Baybayin, Abesedaryo, ABAKADA, at bagong alfabeto

Kaloob sa  mga milenyal at bagong siglo

Pamilang na pito at walo magkakawangis tayo

sa Java, Maori, Tahiti at wikang Polynesyo.

 

Mga hulagway ng diyalekto at wika

Yumayabong sa talinghaga

Sa pilantik ng dila at timyas ng kataga

Mapagpalayang wika ang panata.

 

Hawanin ang diwang kaalama’y inaapuhap

Manaliksik, magsulat at maglimbag

Itanghal at mahalin ang Wikang Filipino

Papag-isahin damdamin ng bayan ko at bayan mo.

 

Tinatanaw na pagbabago,

Gabay ang wikang Filipino !

 

Lunggating nagbibigkis matatamo

Sa wikang pambansa at katutubo

Magpunyagi at gamitin ang Filipino

Tungo sa lipunang uunlad at magbabago.

 

Wikang Marindukanon, wikang Filipino: mapagbago!

Wikang Marindukanon, Wikang Filipino: Mapagbago (pang-SHS)

ni: Dr. Diana Palmes Nobleza

 

Daan taong isinubi ang mga salita

Dito sa kubling hugis-pusong isla

Mula sa supling nina Garduke at Marina

Isisilang tadhana ng kaniyang wika.

 

Mga salita ay iluluwal

Wikang mag-aambag ng kalutang

Kapara ng bila-bila na maglalakbay

Sa wikang kaluluwa ng kapuluan.

 

Yano, Ngani, Baya, Mandin!

Marindukanon kung tawagin,

Humayo na at arugain

Wika natin ay kanlungin!

 

Wikang Marindukanon, wikang Filipino: mapagbago!

 

Baybayin, Abesedaryo, ABAKADA, at bagong alfabeto

Kaloob sa  mga milenyal at bagong siglo

Pamilang na pito at walo magkakawangis tayo

sa Java, Maori, Tahiti at wikang Polynesyo.

 

Mga hulagway ng diyalekto at wika

Yumayabong sa talinghaga

Sa pilantik ng dila at timyas ng kataga

Mapagpalayang wika ang panata.

 

Hawanin ang diwang kaalama’y inaapuhap

Manaliksik, magsulat at maglimbag

Itanghal at mahalin ang Wikang Filipino

Papag-isahin damdamin ng bayan ko at bayan mo.

 

Suungin man ang iba’t ibang larang

Sa inhenyeriya, matematika o agham

Sa pamamahala ng negosyo at empleyo

Isports, tech-voc, sining o disenyo.

 

Tinatanaw na pagbabago,

Gabay ang wikang Filipino !

 

Lunggating nagbibigkis matatamo

Sa wikang pambansa at katutubo

Magpunyagi at gamitin ang Filipino

Tungo sa lipunang uunlad at magbabago.

 

Wikang Marindukanon, wikang Filipino: mapagbago!

Wikang Marindukanon, Wikang Filipino: Mapagbago (pangkolehiyo)

ni: Dr. Diana Palmes Nobleza

Daan taong isinubi ang mga salita

Dito sa kubling hugis-pusong isla

Mula sa supling nina Garduke at Marina

Isisilang tadhana ng kaniyang wika.

 

Mga salita ay iluluwal

Wikang mag-aambag ng kalutang

Kapara ng bila-bila na maglalakbay

Sa wikang kaluluwa ng kapuluan.

 

Yano, Ngani, Baya, Mandin!

Marindukanon kung tawagin,

Humayo na at arugain

Wika natin ay kanlungin!

 

Wikang Marindukanon, wikang Filipino: mapagbago!

 

Baybayin, Abesedaryo, ABAKADA, at bagong alfabeto

Kaloob sa  mga milenyal at bagong siglo

Pamilang na pito at walo, magkakawangis tayo

sa Java, Maori, Tahiti at wikang Polynesyo.

 

Mga hulagway ng diyalekto at wika

Yumayabong sa talinghaga

Sa pilantik ng dila at timyas ng kataga

Mapagpalayang wika ang panata.

 

Hawanin ang diwang kaalama’y inaapuhap

Manaliksik, magsulat, at maglimbag.

 

 

Manaliksik…

“May tindi ng sigasig at paghahanap

Paulit-ulit, walang kaliligtaan

Hanggang karunungan

ay mapanghawakan”

 

 

Magsulat…

Sumagwan sa agos ng kasaysayan

at bagong tuklas na kaalaman

Haraya ay papasiklabin

Pag-iisip ay papagningasin.

 

 

Maglimbag…

Nang malinang ang kaisipan

Putulin ang sagkang

katig ng kamangmangan

Hanggang matagpuan ang kapangyarihan

Na taglay ng wikang Filipino noon pa man.

 

 

Huwag palupig sa dayuhang teksto

Pumalaot sa kalinangang Filipino.

Hawanin ang diwang kaalama’y inaapuhap

Manaliksik, magsulat, at maglimbag.

 

 

Papag-isahin ang damdamin

ng bayan ko at bayan mo.

Tinatanaw na pagbabago,

Gabay ang wikang Filipino !

 

 

Lunggating nagbibigkis matatamo

Sa wikang pambansa at katutubo

Magpunyagi at gamitin ang Filipino

Tungo sa lipunang uunlad at magbabago.

 

 

Wikang Marindukanon, wikang Filipino: mapagbago!

Mekaniks para sa Madulang Sabayang Pagbigkas (speech choir)

Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2017

Buwan ng Wikang Pambansa Agosto 2017: Filipino Wikang Mapagbago

Panuntunan sa Madulang Sabayang Pagbigkas (Speech Choir)

  1. ang patimpalak ay bukas sa lahat ng sekondarya (Junior at Senior High School) at kolehiyo (pribado at publiko) sa lalawigan ng Marinduque.
  2. Bawat kalahok ay binubuo ng 20-25 na mag-aaral para sa kolehiyo at 25-30 sa sekondarya.
  3. Ang pagbabasihang piyesa sa gagawing madulang sabayang pagbigkas ay ang ibibigay ng tagapangasiwa. Ang piyesa ay dapat memoryado.
  4. Uniporme ng paaralan ang kasuotan ng mga kalahok. Maaaring gumamit ng angkop na kasuotan. Ngunit hindi pinapahintulatan ang elektroniks (kailangan gamitan ng baterya o isaksak sa koryente).
  5. Ang bawat kalahok ay may 15 minuto lamang upang magtanghal. Mayroong kaukulang bawas ng 2 puntos ang bawat 10 segundong sobra sa takdang oras.

Pamantayan sa Paghatol

Performans

(kaalaman, kahandaan at kasanayan sa piyesa)                                 30%

 

kahusayan sa pagbigkas, kaangkupan ng ekspresyon ng mukha,

kilos, galaw, kumpas ng kamay, tikas at tindig                                   50%

 

istilo ng presentasyon, pagkamalikhain at kagamitan (props)     20%

 

kabuuan                                         100%

Premyo

Kampeon                                            10,000.00 (sekondarya)                 15,000.00 (kolehiyo)

Pangalawang Gantimpala                      7,000.00                                               10,000.00

Pangatlong Gantimpala                          5,000.00                                               7,000.00

 

tentatibong iskedyul ng mga gawain para sa buwan ng wika 2017

Petsa at Oras Araw Lugar (venue) Gawain Mga taong kasangkot
Hulyo 31- Agosto 18 (bakanteng oras) Lunes hanggang Byernes Marinduque State College audio visual room Preparasyon pagsasanay

oryentasyon

mga guro at tagapagsanay, piling kalahok
Agosto 14-18

8nu hanggang 11 nu

Lunes hanggang Byernes Marinduque State College audio visual room Eliminasyon  at Pinal na Timpalak mga kalahok sa Kolehiyo
Agosto 21-25 8nu hanggang 11nu Lunes hanggang Byernes Marinduque State College covered court Eliminasyon  at Pinal na Timpalak Mga kalahok mula sa Sekondarya

1st Baybayin Conference on Southern Tagalog Studies

tentative program:

day 1/october 12

preliminaries

plenary session 1: FPA Demeterio III future of research universities

parallel session 1: exploring southern tagalog studies: CALABARZON

parallel session 2: Southern Tagalog Spirituality  and Religion

parallel session 3 Filipino/ Tagalog Philosophy

day 2/ october 13

plenary session 2: Vim Nadera Haring Katagalogan mula Laguna hanggang Marinduque (performance)

parallel session 4: exploring southern tagalog studies: MIMAROPA

parallel session 5: Tagalogness and Tagalog Variations

panel session 6: Kapisanan ng mga Bahay-Saliksiksan sa Bansa: Cavite Studies Center, Santa Rosa Studies Center, Tayabas Studies and Creative Writing Center and Batangas Heritage Center

day/ october 14

special panel: Marindukanon Studies: MSC School of Liberal Arts and Education

panel discussion: Bukluran ng mga Mananaliksik na Taga-ilog, Center of Palawan Studies, Mangyan Heritage Center and Center of Mindoro Studies

immersion: Maniwaya, Sta Cruz

business meeting: Bukluran ng mga Mananaliksik na Taga-ilog

Tertulyang Pangwika: Marindukanon

Ika-11 ng Agosto 2017

1:00 nh hanggang 4:00nh

MSC audio-biswal na silid

 

Pambungad

 

Pananalita                            Dr. Merian C. Mani, pangulo ng MSC

Dr. Carlito Matibag, tagapangasiwa ng DepEd Marinduque

 

Rasyonale                              Dr. Randy T. Nobleza, SWK Direktor

 

Pagpapakilala                     Prop. Chito Mandia, OMIA Direktor

 

Pag-aaral sa Marindukanon Tagalog ni Jerahmeel Laderas

Thesis tungkol sa panandang pangkasaysayang Marindukanon ni Jellie Ann Jalac

Gaseño Dictionary at Gasang History ni Jose Sadia

Mogpog Henyo: Sining at Kulturang Mogpogueño ni Rosalinda Castro

 

Pangwakas                            Dr. Homer L. Montejo, Dekano ng SLA

Pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika 2017

ulirang guro sa Filipino 2017 – huling araw ng pasahan Hulyo 21

tertulyang pangwika – agosto 11

sabayang pagbigkas – agosto 18 (pangkolehisyo), 25 (JHS at SHS)

pandaigdigang congress sa Araling Filipinas – agosto 2-4

mscianiana

INVENTORY OF EXHIBIT ITEMS

  ITEM SOURCE  
Msc 001 Black and White Portrait of Congressman Panfilo Manguera P.H. Manguera M.S.A.T.
Msc 002 Marinduque Morion Mast: A project for Mr. Cesar Hulleza’s Ceramics Class 1966 Clemente M. Montejo Jr. M.S.A.T.
Msc 003 23rd Commencement Exercises Invitation, March 27-28, 1979 Mr. & Ms. Ernesto Mapacpac M.S.A.T
Msc 004 26th Commencement Exercises Invitation, March 29-30, 1982 Miss Helen R. Maalindog M.S.A.T
Msc 005 27th Commencement Exercises Invitation, March 25-26, 1983 Miss Helen R. Maalindog M.S.A.T.
Msc 006 28th Commencement Exercises Invitation, March 27-28, 1984 Miss Helen R. Maalindog M.I.S.T.
Msc 007 29th Commencement Exercises Invitation, April 8, 1985 Miss Helen R. Maalindog M.I.S.T.
Msc 008 Panuntunan ng Pagtuturo Wikang Pilipino, 201, Unang Hatintaon Teknikal II (Panghanapbuhay, Pagsasaka, Pangingisda & Panghamlang Pagututuro) MSC Records Office; Mrs. Leonila Mascareñas M.I.S.T.
Msc 009 The Marinduque Craftsman, Taon XXXVI, Blg.3, March 1990 Publication Office M.I.S.T.
Msc 010 Agenda of the 2nd Board Meeting of the Marinduque Institute of Science and Technology Board of Trustees (008-8) 1990 MSC Records Office M.I.S.T
Msc 011 The Marinduque Craftsman, Vol. XLII, No. 2, December 1993 Publication Office M.S.C.
Msc 012 The Marinduque Craftsman, Vol XLV, No.1, June – August 1995 Publication Office M.S.C
Msc 013 SCIEnology, September 1999, Vol. II, No.1 Publication Office M.S.C.
Msc 014 Marinduque State College 3RD Grand Alumni Homecoming Souvenir Program, April 10, 2004 Publication Office M.S.C.
Msc 015 Marinduque State College Journal of Research and Innovation, ISSN 1665-5007, Vol.3, No.2, July- December 2004 Publication Office M.S.C.
Msc 016 Marinduque State College Journal of Research and Innovation, ISSN 1655-5007, Vol.4, No.2, July- December 2005 Publication Office M.S.C.
Msc 017 Marinduque State College Annual Report 2005 Publication Office M.S.C.
Msc 018 Film Negative of Photos from MSC Intrams 2005, 65 shots SLA Publication Office M.S.C.
Msc 019 44 pcs. 3R Photos & 4 2×2 I.D. pictures 2005 SLA Publication Office M.S.C.
Msc 020 ULAT (PASUC Olympics 2007) Day 1- Day 3, Feb 18-21, 2007 Mrs. A. Rualo M.S.C
Msc 021 The MSCians, Sept-Dec 2012, Vol.1, Issue 2 Publication Office M.S.C.
Msc 022 The MSCians, June- Nov 2015, Vol.2, Issue 5 Publication Office M.S.C
Msc 023 Five (5) copies of the The MSCians, June-Nov. 2016, Vol.17, No.1 SLA Publication Office M.S.C
Msc 024 The Network Nexus, ISSN No. 2094-7852, January- March 2016 Publication Office M.S.C.
Msc 025 COA N(5d) Swivel Chair Commission of Audit

 

 

MSAT 1st batch of graduates 1956

MIST 28th Commencement Exercises 1984