day 7: Noi Bai, Don Mueang, KLIA, NAIA: mga erport
Kinabukasan, uuwi na kami. Bago maghiwalay ang taon ay nasa ere kami ng Vietnam mula sa Noi Bai papunta sa Don Mueang para magtanghalian. Sa huling pagkakataon, inaantabayanan ko kung makikita pa ang mga dating estudyante at bagong kontak. Hindi na talaga, kaya dumiretso na kami sa KLIA para bumawi. Sa hapunan, nasulit naman nanim ang RM namin kaysa Baht nang nananghalian kami sa pinaka-unang pandaigdigang paliparan sa Asya. Mas una,may dibersidad at balor ang Ringgit namin bukod sa hapunan ay pangbaon pa naming goreng at manok. Hindi ko malaga kung parehong paliparan ng KLIA at LCCA ang binisita ko dati, wala na akong kontak o kakilala, buti naman hindi masyado matagal ang lay-over sa Kuala Lumpur, nakinig na lang kami sa mga kuwentong-buhay ng mga kababayang pauwi para harapin ang 2018. Mga kuwento ng mga amo, tinagong pasaporte, padalang pera at pasalubong sa pamilya ang narinig namin. Hindi na kami nagsalita at tahimik na lang kami nakisimpatya. Mapalad kami sa pagkakataon makaalis at nakauwi sa paliparang Ninoy Aquino kung saan bumulagta sa tarmac ang dating senador.