Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2017
Buwan ng Wikang Pambansa Agosto 2017: Filipino Wikang Mapagbago
Panuntunan sa Madulang Sabayang Pagbigkas (Speech Choir)
- ang patimpalak ay bukas sa lahat ng sekondarya (Junior at Senior High School) at kolehiyo (pribado at publiko) sa lalawigan ng Marinduque.
- Bawat kalahok ay binubuo ng 20-25 na mag-aaral para sa kolehiyo at 25-30 sa sekondarya.
- Ang pagbabasihang piyesa sa gagawing madulang sabayang pagbigkas ay ang ibibigay ng tagapangasiwa. Ang piyesa ay dapat memoryado.
- Uniporme ng paaralan ang kasuotan ng mga kalahok. Maaaring gumamit ng angkop na kasuotan. Ngunit hindi pinapahintulatan ang elektroniks (kailangan gamitan ng baterya o isaksak sa koryente).
- Ang bawat kalahok ay may 15 minuto lamang upang magtanghal. Mayroong kaukulang bawas ng 2 puntos ang bawat 10 segundong sobra sa takdang oras.
Pamantayan sa Paghatol
Performans
(kaalaman, kahandaan at kasanayan sa piyesa) 30%
kahusayan sa pagbigkas, kaangkupan ng ekspresyon ng mukha,
kilos, galaw, kumpas ng kamay, tikas at tindig 50%
istilo ng presentasyon, pagkamalikhain at kagamitan (props) 20%
kabuuan 100%
Premyo
Kampeon 10,000.00 (sekondarya) 15,000.00 (kolehiyo)
Pangalawang Gantimpala 7,000.00 10,000.00
Pangatlong Gantimpala 5,000.00 7,000.00
tentatibong iskedyul ng mga gawain para sa buwan ng wika 2017
Petsa at Oras | Araw | Lugar (venue) | Gawain | Mga taong kasangkot |
Hulyo 31- Agosto 18 (bakanteng oras) | Lunes hanggang Byernes | Marinduque State College audio visual room | Preparasyon pagsasanay
oryentasyon |
mga guro at tagapagsanay, piling kalahok |
Agosto 14-18
8nu hanggang 11 nu |
Lunes hanggang Byernes | Marinduque State College audio visual room | Eliminasyon at Pinal na Timpalak | mga kalahok sa Kolehiyo |
Agosto 21-25 8nu hanggang 11nu | Lunes hanggang Byernes | Marinduque State College covered court | Eliminasyon at Pinal na Timpalak | Mga kalahok mula sa Sekondarya |